Bagyong Yolanda, dahilan ng pagsabak ni Leyte Rep. Romualdez sa Speakership race
Inamin ni Leyte Representative Martin Romualdez na ang Bagyong Yolanda ang nagtulak sa kanya para itulak ang pagtakbo sa Speakership race.
Ayon kay Romualdez, nakita niya ang pagtulong ng mga kongresista sa kanyang lugar sa Tacloban na malubhang napinsala noon ng Super Bagyong Yolanda.
Nais anya niyang ibalik sa kanyang mga kasamahan ang utang na loob sa pamamagitan ng paglilingkod.
Inamin din ng mambabatas na nagdodoble-kayod siya na maging sync at compatible kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa mga anak nito kaya dumadalo siya sa mga event na ipinapatawag ng presidente at first family.
Naniniwala naman si Albay Rep. Joey Salceda na “strong contender” si Romualdez sa Speakership race dahil hindi basta-basta ang track record nito at mga naisulong na batas.
Tiwala naman si Romualdez na may numero ito at sa July 22 magkakaalaman kung sino talaga sa kanila nila Marinduque Rep. Lord Allan Velasco at Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano ang mauupong Speaker.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.