Ilang klase sa paaralan sa Masbate, sinuspinde nang isang linggo
Sinuspinde ang tatlong klase ng Grade 1 at isang Kindergarten sa isang paaralan sa Cataingan, Masbate.
Ayon sa Department of Education (DepEd) Bicol, ito ay matapos masawi ang isang estudyante na posibleng mayroong meningococcemia noong araw ng Lunes (June 24).
Dinala ang 7-anyos na Grade 1 student sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital bandang 3:27, Lunes ng hapon.
Makalipas ang ilang minuto, nasawi ang estudyante bandang 3:41 ng hapon.
Ayon kay Mayflor Marie Jumamil, tagapagsalita ng DepEd Bicol, isang linggong suspendido ang mga klase.
Inaalam pa aniya ng Research Institute for Tropical Medicine kung meningococcemia ang ikinasawi ng estudyante.
Binigyan na rin aniya ng prophylaxes ang mga estudyante sa Emilio S. Boro Central School.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.