Matteo Guidicelli, nakatanggap ng special awards sa pagtatapos sa military training

By Angellic Jordan June 27, 2019 - 03:30 PM

Nakumpleto na ng aktor na si Matteo Guidicelli ang kaniyang isang buwang Leadership Development and Scout Ranger Orientation Course.

Isinagawa ang closing ceremonies sa Scout Ranger headquarters sa Camp Tecson sa San Miguel, Bulacan araw ng Huwebes.

Nakatanggap si Matteo ng military commendation medal para sa pakikiisa sa mga isinagawang clean-up drive sa mga eskwelahan at pagsisilbing inspirasyon sa mga kabataan para pahalagahan ang mga sakripisyo ng mga Filipinong sundalo.

Maliban dito, nakatanggap din ang aktor ng special award matapos manguna sa klase sa gradong 95.2 percent.

Karamihan sa mga naging kaklase ni Matteo ay mula sa Philippine Military Academy Class of 2021.

Ayon kay Brig. Gen. William Gonzales, commander ng First Scout Ranger Regiment, masaya at proud siya sa boluntaryong pagpili ni Matteo sa kanila para magsilbing pundasyon ng kaniyang military service.

Inamin naman ni Matteo na nagkaroon ng mga panahon na ginusto niya nang umuwi at bumitaw sa pagsasanay.

Ngunit, dahil dito, sinabi ng aktor na lalong tumaas ang kaniyang pagtingin at respeto sa mga sundalo.

Present naman sa pamilya at girlfriend ni Matteo na si Sarah Geronimo sa closing ceremonies.

Sumali si Matteo bilang reservist sa Philippine Army noong buwan ng Abril at nagsimula sa pagsasanay sa Scout Ranger noong May 27.

 

TAGS: Brig. Gen. William Gonzales, Leadership Development and Scout Ranger Orientation Course, Matteo Guidicelli, military service, Philippine Military Academy Class of 2021, Brig. Gen. William Gonzales, Leadership Development and Scout Ranger Orientation Course, Matteo Guidicelli, military service, Philippine Military Academy Class of 2021

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.