Pangulong Duterte bilib kay dating Navy chief rear admiral Wong dahil sa symbolic claim sa WPS
Saludo at bilib si Pangulong Rodrigo Duterte kay dating Philippine Navy chief rear admiral Guillermo Wong.
Ito ay dahil sa ginawang symbolic claim ni Wong sa West Philippine Sea (WPS).
Sa talumpati ng pangulo sa 122nd anniversary ng Presidential Security Group (PSG) sa Malakanyang, sinabi nito na makasaysayan ang ginawa ni Wong.
Dinala kasi aniya ni Wong ang sirang barko, ibinunggo at iniwan sa West Philippine Sea para sa symbolic claim ng Pilipinas.
Ayon sa pangulo, nakabibilib ang ginawa ni Wong lalo’t Chinese by blood ang dating opisyal.
Maituturing aniyang totoong Filipino si wong dahil sa kanyang ginawa.
” Ako bilib talaga ako kay Wong — Admiral Wong. Dinala niya doon ‘yung barko na sira. Talagang binunggo niya, sinira niya, iniwan niya doon. It was just a symbolic claim of the Philippines. And to think that Wong was really a Chinese by blood but he was a real Filipino. Saludo ako sa kanya” ayon sa pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.