Tirada sa kanya ni Foreign Affairs Sec. Teddy Locsin inasahan na ni VP Leni Robredo
Hindi na nasorpresa pa si Vice President Leni Robredo sa banat sa kanya ni Foreign Affairs Secretary Teodoro “Teddy Boy” Locsin Jr. matapos niyang kuwestiyunin ang pagkansela courtesy diplomatic passports ng mga dating Filipino diplomats.
Ayon kay Robredo, inaasahan na niya kung ano ang magiging reaksyon ng mga opisyal ng administrasyong Duterte kapag sila ay nakatatanggap ng kritisismo dahil sa kanilang aksiyon.
Una nang tinawag ni Locsin si Robredo na “bobo” dahil sa kanyang naging reaksyon sa pagharang kay dating Foreign affairs Secretary Albert del Rosario sa airport sa Hongkong at pagpapadeport sa Pilipinas sa kabila nang hawak niyang diplomatic passport.
Giit ng bise-Presidente, hindi na siya magre-react sa maaanghang na salita ni Locsin, pero ipinunto niya na sa ilalim ng Philippine Passport Law, wala sa diskresyo ng sinumang opisyal ng gobyerno ang magkansela ng pasaporte.
Sabi ni Robredo, pag-usapang bastusan ay hindi siya papatol dahil wala iyon magandang kahihinatnan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.