Water level sa Angat Dam muling nabawasan, ilang Dam sa Luzon bahagyang nadagdagan

By Mary Rose Cabrales June 27, 2019 - 07:15 AM

Muling nabawasan ang water level sa Angat Dam.

Ayon sa PAGASA Hydro-meteorological Division, ang water level ng Angat Dam ngayong ala-6:00 ng umaga ay nasa 158.15 meters mas mababa sa 158.40 meters na lebel nito kahapon ng umaga.

Nabawasan din ang water level ng Ipo, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya Dams.

Samantala, bahagya namang nadagdagan ang water level ng La Mesa Dam.

Ang water level ng La Mesa Dam ngayong ala-6:00 ng umaga ay nasa 70.16 meters mas mataas kumpara sa 69.98 meters na lebel nito kahapon ng umaga.

Bahagyang nadagdagan din ang water level ng Ambuklao at Binga Dams.

TAGS: Angat Dam, Hydro-meteorological Division, la mesa dam, Luzon Dams, Pagasa, Angat Dam, Hydro-meteorological Division, la mesa dam, Luzon Dams, Pagasa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.