Duterte: China pwedeng mangisda sa EEZ ng Pilipinas
Payag si Pangulong Rodrigo Duterte na mangisda ang China sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.
Sa anibersaryo ng Presidential Security Group (PSG) sa Malakanyang, sinabi ng Pangulo na hindi pwedeng paalisin ang China sa EEZ ng bansa dahil ipinipilit ng Beijing na teritoryo nila ito.
“We cannot drive them away because they have insisted that it’s theirs,” ani Duterte.
Nagkasundo anya sila ni Chinese Pres. Xi Jinping na payagan ang pangingisda ng China sa Philippine EEZ matapos namang payagan ang mga mangingisdang Pilipino na magkaroon ng access sa Scarborough Shoal.
Ang Scarborough Shoal ay tradisyunal na fishing ground na sakop ng EEZ na inangkin ng China dalawang buwan makalipas ang standoff sa Philippine Navy noong 2012.
“Would you allow the fisherman to fish? Of course. That was our agreement,” dagdag ng Pangulo.
Una rito ay hiniling ng 22 mangingisda na ang bangka ay nabangga ng barko ng China sa Recto Bank na ideklara ng Pangulo na ang ang lugar ay eksklusibong pangisdaan para sa mga Pinoy.
Paliwanag pa ni Duterte, “Ngayon, sabi nila, you have to ban China. I-prohibit mo. Kung i-prohibit ko, how do I enforce my desire? Takot nga ang America, ayaw ngang mag-confront tapos ako pa ang ipusta nila. Gusto talaga nilang mapasubo ako.”
“Anything that is, that would force anybody to act contrary to his will is always offensive. As a matter of fact sa law, that is what’s called compelling anybody — is a crime. Eh gusto nila i-prohibit ko. Why will I go there and prohibit them? Now the only way to stop them is talagang gamitan ko ng ngipin ‘yan,” pahayag pa ng Presidente.
Sinabi rin ng Pangulo na walang soberanya ang bansa at magreresulta sa giyera kung babawalan ang China na mangisda sa West Philippine Sea.
“My God, I am not willing to sacrifice any soldier or policeman to die na walang kalaban-laban. Ang hawak nila kwitis pero ang warhead is atomic bomb. Ang ating hawak, kwitis pero parang pampista lang ‘yan. Hindi ‘yun pang-away. Alam naman ninyo, talo talaga tayo by the sheer might,” ayon sa Pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.