Erap Estrada, bakasyon muna sa serbisyo publiko matapos matalong Manila Mayor

By Clarize Austria June 27, 2019 - 12:39 AM

Screengrab of Clarize Austria video

Nagpaalam na sa publiko bilang Alkalde ng Lungsod ng Maynila si Outgoing Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada apat na araw bago matapos ang termino nito.

Sa ginanap na State of the City Address (SOCA) ni Estrada, sinabi nito na utang na loob niya sa mga mahihirap ang kinalalagyan niya ngayon.

Dagdag pa nito, limampung taon na siyang naglilingkod sa bayan at ngayon ay magbabakasyon muna siya sa serbisyo publiko.

Noong nakaraang Hunyo 17 ay nagkaroon sila ng courtesy call ni Mayor-elect Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso sa Manila City Hall.

Ito ang naging muling pagkikita ng dalawa matapos ang eleksyon noong May 13.

Sa kanilang pulong, naghabilin si Estrada ng mga proyekto na sana anya ay ipagpatuloy ng bagong Alkalde ng Maynila.

Ang sagot naman ni Isko, titignan niya kung anong makakabuti para sa mga residente ng lungsod.

Samantala, may mga dumalo ring mga pulitiko at nagtanghal ang mga kilalang mang-aawit na sina Sarah Geronimo at Pilita Corrales sa naturang SOCA ni Estrada.

Sinabi naman ng kampo ng outgoing mayor na darating si Presidential daughter Davao City Mayor Sara Duterte ngunit natapos na ang event ay wala pa rin ito.

Sa text message ni Mayor Sara sa media, sinabi nito na nasa Davao siya simula kahapon.

TAGS: mahirap, manila, Mayor-elect Isko Moreno, Outgoing Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada, pahinga muna, serbisyo publiko, state of the city address, utang na loob, mahirap, manila, Mayor-elect Isko Moreno, Outgoing Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada, pahinga muna, serbisyo publiko, state of the city address, utang na loob

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.