Robredo, hindi isinasara ang pinto sa pagtakbo sa pagka-pangulo sa 2022 elections
Hindi isinasara ni Vice President Leni Robredo ang kaniyang pinto sa posibleng pagtakbo sa pagka-pangulo sa taong 2022.
Ayon kay Robredo, lahat ay posibleng mangyari tulad ng pagkakahalal niya bilang bise presidente na hindi naman aniya niya pinlano.
Sa kaniyang pananaw, sinabi nito na ang pagiging isang pangulo ay nakatadhana.
Gayunman, iginiit ni Robredo na masyado pang matagal ang 2022 presidential elections para pag-usapan.
Nakatuon muna aniya ang kaniyang atensyon sa anti-poverty program ng Office of the Vice President (OVP) tulad ng Angat Buhay at Ahon Laylayan projects.
Ani Robredo, dapat munang tutukan ang mga proyekto bago ang pagtakbo sa 2022 presidential elections para hindi masira at mahaluan ng pulitika ang mga proyekto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.