Tumama ang magnitude 3.4 na lindol sa Surigao del Norte, Miyerkules ng hapon
Sa datos ng Phivolcs, namataan ang lindol sa layong 69 kilometers Northeast ng Burgos bandang 4:04 ng hapon.
May lalim ang lindol na 4 kilometers at tectonic ang origin.
Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig. / Angellic Jordan
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.