Metro Manila at ilang lugar sa Luzon, patuloy na uulanin

By Angellic Jordan June 26, 2019 - 05:52 PM

Makararanas ng katamtaman hanggang sa mabigat ng buhos ng ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin ang Metro Manila at Cavite.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 3:57 ng hapon, iiral ang sama ng panahon sa susunod na dalawang oras.

Maliban sa mga nasabing lugar, mararamdaman din ang sama ng panahon sa Morong sa Bataan; San Juan, Rosario, Taysan at Lobo sa Batangas; General Nakar, Real at Mauban sa Quezon.

Uulanin din ang bahagi ng Tarlac, Nueva Eciha, Zambales, Pampanga, Bulacan, Laguna at Rizal.

Nag-abiso naman ang weather bureau sa mga residente ng mga apektadong lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha at landslide. / Angellic Jordan

 

TAGS: Metro Manila, Pagasa, thunderstorm advisory, Metro Manila, Pagasa, thunderstorm advisory

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.