Simula kaninang alas-singko ng hapon ay binuksan ang Gate 2 ng Angat Dam sa Bulacan para magpakawala ng tubig.
Sa impormasyon na ipinarating sa Radyo Inquirer, nagpasya ang National Power Corporation (Napocor) na magbawas ng tubig makaraang umabot kaninang 4pm sa 214.85 meters ang tubig sa Dam na higit na mas mataas sa 212 meters na critical level nito.
Nilinaw ng Napocor na sinabihan nila ang mga municipal mayors ng mga lugar na dadaanan ng tubig mula sa Angat Dam partikular na ang mga bayan ng Norzagaray, Bustos, Angat, Calumpit at Hagonoy.
Samantala, nanatili namang lubog sa tubig baha ang ilang bayan sa lalawigan ng Pampanga dahil sa patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan doon.
Kabilang sa mga bayan na ngayon ay hanggang bewang ang tubig-baha ay ang mga bayan ng Masantol, Macabebe, San Luis, San Simon, Apalit, Candaba at Arayat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.