Pagsama ng NPC sa pag-endorso kay Rep. Velasco hindi alam ni Sen. Tito Sotto

By Jan Escosio June 26, 2019 - 12:59 PM

Ikinabigla ni Senate President Vicente Sotto III ang lumalabas na pag-endorso ng kinabibilangan niyang Nationalist People’s Coalition o NPC sa House Speakership bid ni Marinduque Representative Lord Allan Jay Velasco.

Sa unang paghingi ng komento ni Sotto, sinabi ng acting chairman ng partido na hindi pa siya maaring magkomento sa magiging relasyon ng dalawang Kapulungan ng Kongreso hanggang hindi pa opisyal ang lahat.

Sinabi pa nito na hindi pa rin nakakapagdesisyon ang kanilang partido at wala pa silang opisyal na pahayag kung sino ang kanilang susuportahan.

Ngunit nang makita ni Sotto ang multi-party manifesto of support para kay Velasco, sinabi nito na hindi pa dapat isinasapubliko ang kanilang posisyon dahil nagsasagawa pa lang sila ng konsultasyon.

Makikita sa manifesto ang pagpirma nina Rizal Rep. Michael John Duavit at Valenzuela Rep. Wes Gatchalian, kapwa miyembro ng NPC.

Itinuro na lang din ni Sotto si Batangas Rep. Dong Mendoza, ang secretary general ng kanilang partido, para sa karagdagang pahayag hinggil sa naturang manipesto.

TAGS: Manifesto of Support, NPC, Rep. Lord Allan Velasco, Vicente Sotto III, Manifesto of Support, NPC, Rep. Lord Allan Velasco, Vicente Sotto III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.