Locsin: China hindi sasabak sa giyera

By Len Montaño June 26, 2019 - 04:47 AM

Para kay Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr., hindi sasabak sa giyera ang China sa gitna ng isyu sa pagitan ng Pilipinas at China kaugnay ng West Philippine Sea o South China Sea.

Ayon kay Locsin, sa Munich Security Conference ay inamin anya ng Beijing na mayroon lamang itong “minimal nuclear arsenal.”

Nais lamang anya ng China na mas yumaman at hindi ang mamatay ang mga mamamayan nito.

Sa una nitong tweet ay sumagot ang kalihim sa pahayag ni human rights at environmental activist Tony La Viña na malaki at makapangyarihang bansa ang China habang ang Pilipinas ay mahina ang militar at ekonomiya bagamat nasa panig ng bansa ang batas.

Sinabi pa ni La Viña na sino ba sa dalawang bansa ang mananaig kung ang China ay nagkakaisa habang ang Pilipinas ay watak watak.

Sinagot naman ito ni Locsin na maaaring masira ng US Seventh fleet ang lahat ng buhay sa Asian mainland sa unang tira lamang kaya maski anya China ay hindi mananaig.

 

TAGS: China, Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr., giyera, Munich Security Conference, Pilipinas, South China Sea, West Philippine Sea, yumaman, China, Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr., giyera, Munich Security Conference, Pilipinas, South China Sea, West Philippine Sea, yumaman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.