Higit P7M halaga ng shabu nasabat sa buy-bust sa Caloocan

By Rhommel Balasbas June 26, 2019 - 03:52 AM

Courtesy of NCRPO-PIO

Nakumpiska ng pinagsanib sa pwersa ng NCRPO-Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) at Caloocan Police ang aabot sa P7 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation na isinagawa sa isang motel sa Gracepark, Caloocan City, madaling araw ng Miyerkules.

Arestado sa operasyon ang suspek na nakilalang si Jaymark Mercene, 18 anyos na residente ng Pasay City.

Ayon sa NCRPO, unang nakipagkasundo ang suspek na magbenta ng droga sa isang gasoline station sa Service Road sa Pasay ngunit nagbago ang isip nito at itinakda ang transaksyon sa Marsman Hotel sa Caloocan.

Bumili ang poseur buyer ng isang kilo ng shabu mula kay Mercene at matapos magkaabutan ng pera ay agad na inaresto.

Sumatutal, umabot sa 1.5 kilos ng shabu ang nakuha sa suspek na tinatayang nagkakahalaga ng P7,140,000.

Lumalabas na si Mercene ay tauhan ni Edgardo Mongado, lider ng isang Criminal Gang na sangkot sa kalakalan ng droga sa Pasay City, Makati City at ilang bahagi ng Rizal at Cavite.

Sasampahan ngayon ang suspek ng kasong paglabag sa mga probisyon ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

 

 

TAGS: 1.5 kilos, buy bust, caloocan, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, criminal gang, Marsman Hotel sa Caloocan, NCRPO-RRDEU, P7M halaga, shabu, 1.5 kilos, buy bust, caloocan, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, criminal gang, Marsman Hotel sa Caloocan, NCRPO-RRDEU, P7M halaga, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.