Pangingisda ng China sa EEZ ng Pilipinas ‘kukunsintihin’ na muna ni Duterte

By Chona Yu June 26, 2019 - 04:30 AM

Dahil sa pagkakaibigan kung kaya papagayan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang China na makapangisda sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ito-tolerate na muna ng Pangulo ang China dahil sa sa friendship.

“We will allow it kasi we’re friends naman, ‘di magbigayan muna tayo – parang ganoon ang punto ni Presidente,” ani Panelo.

Paliwanag ni Panelo, may historical right kasi ang China sa lugar.

Hindi aniya maituturing na treason o pagtataksil sa bayan ang ginagawa ng Pangulo dahil nakasaad sa united convention on the law of the sea (UNCLOS) na maari namang mangisda sa lugar.

Gayunman sinabi ni panelo na tatanungin nya muna si Presidente kung national policy niya ang pagpayag na mangisda ang China sa EEZ ng bansa.

 

TAGS: China, EEZ, historical right, kukunsintihin, pangingisda, Rodrigo Duterte, UNCLOS, China, EEZ, historical right, kukunsintihin, pangingisda, Rodrigo Duterte, UNCLOS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.