Imbestigasyon ng China sa Recto Bank ipinapasapubliko ng Malakanyang

By Chona Yu June 25, 2019 - 11:23 PM

Hinikayat ng Palasyo ng Malakanyang ang gobyerno ng China na isapubliko na ang resulta ng kanilang imbestigasyon sa nangyari sa Recto Bank.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ito ay para malaman na ng publiko ang bersyon ng China kaugnay ng pagbangga ng isang Chinese vessel sa bangka ng mga mangingisdang Pilipino.

“Kailangan ilabas na lang nila, bakit ko pa tatanungin. Baka makulitan pa sa akin iyan, ang ganda na nga ang sinasabi niya nag-iimbestiga sila. At saka, you know, from the very start ‘di ba sinabi niya, they will hold accountable, the guilty party, and they will not tolerate such irresponsible behavior. Ibig sabihin, iyon ang assurance nila,” ani Panelo.

Bukod dito, sinabi ni Panelo na ito ay para papanagutin na rin ng Chinese government ang mga taong dapat na managot dahil sa pag-iwan sa mga Pinoy.

Una rito, sinabi ni Panelo na imahinasyon lamang ng Chinese crew ang pagkabahala na kuyugin sila ng mga Pilipino matapos banggain ang bangka ng dalawamput dalawang mangingisda.

Panghahawakan aniya ng Pilipinas ang pangako ng China na hindi nila kukunsintihin at papanagutin ang mga dapat na papanagutin sa Recto Bank incident.

 

TAGS: 22 mangingisdang Pilipino, China, imbestigasyon, isapubliko, papanagutin, Presidential spokesman Salvador Panelo, Recto Bank, 22 mangingisdang Pilipino, China, imbestigasyon, isapubliko, papanagutin, Presidential spokesman Salvador Panelo, Recto Bank

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.