Itinaas ang Lightning Red Alert sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Martes ng gabi.
Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), suspendido ang ramp movement sa mga eroplano at airport personnel kasunod ng ipinatupad na lightning alert bandang 6:53 ng gabi.
Paliwanag ng MIAA, layon ng alerto na maiwasan ang anumang untoward incident na maidudulot ng kidlat.
Makalipas ang halos 30 minuto, ibinaba ito sa Lightning Yellow Alert bandang 7:28 ng gabi at tuluyang inialis ang alerto dakong 7:52 ng gabi.
Dahil dito, nag-abiso ang ahensya sa posibleng pagkakaroon ng delay sa mga biyahe.
Tinutukan naman ng MIAA sa sitwasyon para maasistihan ang mga pasaherong maaapektuhan.
Humingi rin ng pang-unawa ang MIAA sa mga pasahero.
Nananatili anilang prayoridad ang kaligtasan ng mga pasahero sa airport personnel sa kanilang operasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.