Arroyo hahayaan ni Duterte na pumili ng susunod na house speaker
Hindi na makikialam si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpili ng susunod na house speaker.
Sa halip, ipinauubaya na ng pangulo kay Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang pagpili ng papalit sa kanyang pwesto
Sa talumpati ng pangulo sa oath taking ng mga local officials sa Malacañang, sinabi nito na bahala na si Arroyo na mamili kina Congressmen Lord Alan Velasco, Alan Peter Cayetano at Martin Romualdez at Pantaleon Alvarez.
Ayon sa pangulo kinausap niya kagabi si Arroyo at ang mga kandidato sa pagka-speaker sa thanksgiving party ng Hugpong ng Pagbabago sa Makati City.
Pabiro pang sinabi ng pangulo na ibabalik niya ng kulungan si Arroyo kapag hindi sinunod ang kanyang hiling
Komprtable naman siya kahit na sino ang maging speaker basta siguraduhin lamang na isang Filipino.
Dagdag ng pangulo hindi na dapat na ipasa sa kanya ang problema sa pagpili ng susunod na speaker dahil ayaw nyang makisali sa tinatawag na “agony”.
Ayaw din ng pangulo na makasakit ng damdamin dahil pawang kaibigan nya ang mga kandidato sa pagka- speaker
Maari aniyang mamili ang mga kongresista ng speaker base sa kanilang party affiliation.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.