MMDA pinasasagot sa mga petisyon sa provincial bus ban sa Edsa
Iping-utos ng Korte Suprema sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magbigay ng komento sa mga inihaing petisyon para tutulan ang pagpapatupad ng provincial bus ban sa Epifanio delos Santos Avenue o Edsa.
Tatlong petisyon ang umpela ng temporary restraining order (TRO) laban sa MMDA Regulation No.19-002 na magbabawal sa paglalabas ng business permit sa mga public utility bus terminals at operators sa Edsa.
Ilan sa mga naghain nito ay sina Ako Bicol Party-list at Albay Representative Joey Salceda, Bayan Muna Party-list chair Neri Colmenares at Judge Cleto Villacorta III.
Nakatakdang ipatupad ang provincial bus ban ngayong buwan ng Hunyo.
Magugunitang sinabi ni MMDA spokesperson Celine Pialago na hihintayin muna ang desisyon ng Supreme Court sa mga petisyon bago ituloy ang ban.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.