BOC tiniyak na ligtas ang kanilang website kahit napasok ng mga hacker

By Clarize Austia June 25, 2019 - 03:11 PM

Tiniyak ng Bureau of Customs (BOC) na ligtas ang kanilang website matapos itong ma-hack ng mga hindi pa nakikilalang indibidwal kahapon, June 24.

Ayon kay Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, mayroong anim na bagong information systems na inilabas para sa naturang website at maayos na gumagana ang mga ito.

Bukod dito, nakipag-ugnayan na rin ang ahensya sa National Computer Response Team o Cert-Ph para masigurong hindi na muling magagalaw ng hackers ang website.

Ang panghahack na ito ay isa umanong pagtatangka na guluhin ang operasyon na naturang ahensya.

Matatandaang ginalaw ng hackers ang website header ng “Hacked by Ultimate Haxor” ngunit wala naman nagalaw sa mga nakapaloob dito.

Kasalukuyan namang suspended sa ngayon ang website ng BOC.

TAGS: Bureau of Customs, BUsiness, guerrero, National Computer Response Team, Bureau of Customs, BUsiness, guerrero, National Computer Response Team

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.