Mga katutubo hindi mapababayaan kapag naging operational ang Kaliwa Dam
Pinawi ng Metropolitan Waterworks Sewerage System (MWSS) ang pangamba na mapabayaan ang na mga indigenous peoples (IPs) sakaling maging operational na ang Kaliwa Dam sa bayan ng Infanta sa probinsya ng Quezon.
Sa oversight hearing ng Kamara kaugnay sa nararanasang water shortage crisis sa Metro Manila, tinanong ni Quezon City Rep. Winston Castelo si MWSS Administrator Reynaldo Velasco kung kamusta na ang Kaliwa Dam.
Sinasabi na ang Kaliwa Dam ay makakatulong sa supply ng tubig sa Metro Manila, na kumukuha ngayon ng higit 90 porsiyento ng kanilang ginagamit na water allocation sa Angat Dam.
Ayon kay Velasco, ginagawa pa sa ngayon ang disenyong gagamitin sa operasyon ng Kaliwa Dam at inaasahan daw nila na pagsapit ng Agosto ay makakakuha na sila ng final approval dito.
Pero kahit makakuha man sila ng final approval, hindi naman anya nila itutuloy ang proyektong ito na hindi isinasaalang-alang ang kapakanan ng mga IPs na nakatira sa palibot ng Kaliwa Dam.
Titiyakin daw nila na masusunod ang lahat ng requirements sa proyekto upang hindi naman magdusa ang mga IPs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.