P500K na tulong ni dating Foreign Affairs Sec. Del Rosario dapat direktang ibigay na lang sa 22 mangingisda
Pinayuhan ng Malakanyang si dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario na direkta na sanang ibigay ang kalahating milyong pisong tulong sa 22 mangingisda na binangga ang bangka ng Chinese fishing vessel sa Recto Bank.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, sa halip na idaan pa kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, dapat iaabot na lamang ng personal ni Del Rosario ang tulong sa mga mangingisda.
Dagdag pa ni Panelo, dapat tahimik at hindi na ipinagkalat pa ni Del Rosario ang pagtulong sa mga mangingisda.
“Kung ako kay Del Rosario… spread mo na lang.. punta ako dun ng walang nakaka-alam you don’t to announce it. Bigay mon a lang ng walang nakaka-alam,” ayon kay Panelo.
Hindi naman kasi aniya kailangan na ipangalandakan pa sa publiko ang tulong sa sinumang nangangailangan.[clear]
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.