Habal-habal driver nailigtas matapos tumalon sa tulay sa Mandaue City

By Dona Dominguez-Cargullo June 25, 2019 - 09:22 AM

Isang Habal-Habal driver ang nailigtas matapos tumalon sa isang tulay sa Mandaue City sa Cebu dahil sa pag-aakalang mayroong sumusunod sa kaniya.

Ayon sa Mandaue City Police, nakilala ang driver na si Alfonso Hermida, 23 anyos at residente ng Naga City, Cebu.

Sakay umano ng kaniyang motorsiklo si Hermida nang bigla itong bumaba pagsapit sa Mandaue-Mactan Bridge at saka tumalon sa tulay Lunes (June 24) ng gabi.

Sinabi ni Police Major Mercy Villar, information officer ng Mandaue City Police, nadatnang palutang-lutang si Hermida nang dumating ang mga otoridad.

Dinala si Hermida sa Mandaue City District Hospital matpaos mailigtas.

Pininiwalaang mayroong mental condition si Hermida makaraang ikwento niyang may humahabol sa kaniya kaya sya tumalon sa tulay.

Wala namang natamong matinding pinsala sa katawan si Hermida pero inilipat ito sa Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC) para maisailalim sa psychiatric examination.

TAGS: Mandaue City, Mandaue-Mactan Bridge, Mandaue City, Mandaue-Mactan Bridge

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.