Isyu sa committee chairmanship sa senate minority, naresolba na
Sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na naplantsa na ang mga gusot sa pagkakaroon ng mga miyembro ng minoriya ng komite na kanilang pamumunuan.
Ngunit ayon kay Drilon bahala na si Senate President Vicente Sotto III sa pag-anunsiyo bilang respeto kung ano ang napagkasunduan.
Dagdag pa nito ang pamumuno sa mga komite ay pinipili naman ng mga nasa mayorya.
Tumanggi din si Drilon na magbigay ng detalye hinggil sa napag-usapan bagamat aniya napagkasunduan na kung ano ang gagawing pag-trato sa mga minority senators.
Una na nang napa-ulat na sa apat na minority senators, Drilon, Risa Hontiveros, Leila de Lima at Francis Pangilinan, tanging si Pangilinan lang ang may pamumunuan na komite, ang Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.