Provincial director ng TESDA sa Basilan inaresto matapos nahulihan ng mga bala at pampasabog
Dinakip ng mga otoridad ang provincial director ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa Isabela City sa Basilan.
Nagtungo sa bahay ni TESDA Provincial Dir. Muaida Hataman ang mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Barangay San Rafael, Isabela City, Biyernes, June 25 ng umaga.
Nakuha sa loob ng bahay ni Hataman ang mga pampasabog at mga bala para sa iba’t ibang mga armas.
Si Muaida ay isa sa mga asawa ni Radzmir Janatul.
Si Janatul ayon sa AFP ay sub-commander ng Abu Sayyaf Group sa ilalim ni ASG leader Furuji Indama.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.