WATCH: Ilang lugar sa Maynila, QC at Valenzuela binaha

By Dona Dominguez-Cargullo June 25, 2019 - 06:38 AM

Matapos ang naranasang halos magdamag na malakas na buhos ng ulan maraming kalsada sa Metro Manila ang nananatiling lubog sa baha, Martes (June 25) ng umaga.

Pasado alas 5:00 ng umaga gutter-deep pa rin ang tubig-baha sa kahabaan ng España Boulevard.

Sa Valenzuela City naman, alas 5:30 ng umaga ay maraming lansangan pa rin ang aabot sa 2 hanggang 13 inches ang tubig-baha.

Sa Mac Arthur Highway, may mga lugar na nasa 2 hanggang 4 inches ang baha pero passable naman sa lahat ng uri ng sasakyan.

Maliban lamang sa parte ng P. Valenzuela na aabot sa 12 to 13 inches ang tubig baha kaya hindi na ito passable sa maliliit na sasakyan.

Sa Quezon City naman, pasado alas 6:00 na ng umaga ay lubog pa rin sa tubig baha ang bahagi ng E. Rodriguez.

Umabot sa Tomas Morato ang naranasang pagbaha sa kahabaan ng E. Rodriquez.

TAGS: flood alert, manila, quezon city, weather, flood alert, manila, quezon city, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.