Duterte sa China: Isapinal na ang Code of Conduct sa South China Sea

By Chona Yu June 25, 2019 - 01:02 AM

Kinakalampag na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang China na madaliin na ang pagsasapinal ng Code of Conduct sa South China Sea.

Sa panayam ng media sa Pangulo sa premiere ng pelikulang “Kontradiksyon” sa Megamall sa Mandaluyong City, sinabi nito na ito ay para hindi na lumala ang tensyon sa mga pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.

Sinabi ng Pangulo na habang tumatagal at hindi nabubuo ang Code of Conduct, patuloy na naaakit ang Amerika at Western powers na subukan at samantalahin ang sitwasyon.

Kapag nagkaroon aniya ng isang “miscalculation,” tiyak na gulo ang resulta nito.

“China should by now be ready with the Code of Conduct because the longer it takes for them to do it, the more they are egging, titillating America and the rest of the Western powers to test the waters always and one day a single miscalculation, it could be a silent irritation but if it explodes, the consequences are really terrible, it should not be acceptable to anybody,” pahayag ng Pangulo.

Matatandaan na sa ASEAN Summit sa Bangkok, Thailand, nadismaya si Pangulong Duterte dahil sa kabiguan na mabuo ang Code of Conduct sa South China Sea.

TAGS: Amerika, Asean summit, Code of Conduct, isapinal, Kontradiksyon, Rodrigo Duterte, South China Sea, Amerika, Asean summit, Code of Conduct, isapinal, Kontradiksyon, Rodrigo Duterte, South China Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.