Higit P2.1M halaga ng shabu nasabat sa buy-bust operation sa Quezon City

By Rhommel Balasbas June 25, 2019 - 12:46 AM

QCPD Station 6 photo

Nakumpiska ng QCPD Station 6 ang higit P2.1 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Brgy. Payatas, Lunes ng gabi.

Arestado ang walong suspek na nakilalang sina Mary Janes Mariano, Efren Zafra, Teofilo Zafra, Elmer Howit, Vina Baldovina, Mercylinda Miron, John Erick Tupaz at isang 17-anyos na binatilyo.

Nakuha sa mga ito ang transparent bags ng shabu na nakatali ng ribbon, small plastic sachets ng shabu, timbangan, at isang cellphone.

Higit-kumulang 310 grams ng droga ang nakuha mula sa mga suspek na tinatayang nagkakahalaga ng P2.108 milyon.

Sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

TAGS: 310 grams, 8 arestado, binatilyo, buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, nasabat, P2.1 milyon, quezon city, shabu, 310 grams, 8 arestado, binatilyo, buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, nasabat, P2.1 milyon, quezon city, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.