PACC: BOC nananatiling most corrupt agency sa gobyerno
Ibinunyag ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na ang Bureau of Customs pa rin ang nangunguna sa listahan ng mga tanggapan ng pamahalaan na inirereklamo ng korupsyon.
Paliwanag ni PACC Commissioner Greco Belgica, sumusunod sa listahan ang Bureau of Internal Revenue habang nasa ikatlong puwesto ang Department of Public Works and Highways.
Ayon kay Belgica, ilang secretary, undersecretary, director, district engineer, at maging mga prosecutor ang nasibak, nasuspendi at naaresto na dahil sa isyu ng korupsyon.
Wala aniyang sinasanto ang PACC sa pag-iimbestiga dahil maging ang mga malalapit na kaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasipa na rin sa puwesto.
Kaugnay nito, hinimok ni Belgica ang publiko na tumulong sa anti-corruption drive ng pamahalaan at tiniyak ng opisyal na mananatiling pribado ang anumang impormasyon na kanilang iimbestigahan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.