The Hague ruling maaring mabalewala sa PH-China joint investigation – Sen. Ping Lacson
Sinabi ni Senator Panfilo Lacson na kung matutuloy ang itinutulak na joint investigation ng Pilipinas at China sa Recto Bank incident, may isang punto na kailangan malinaw sa dalawang panig.
Ito ayon kay Lacson, ay hindi isinusuko ng Pilipinas ang karapatan sa Recto Bank.
Nangangamba ang senador na kapag pumasok ang Pilipinas sa joint investigation ay mawawala ang sovereign rights ng Pilipinas na pinagtibay sa naging desisyon ng arbitral tribunal sa The Hague na nagsabing ang Recto Bank ay sakop ng 200 nautical miles ng atin exclusive economic zone.
Una na rin ipinaliwanag ni Lacson ang pangamba niya sa joint investigation sa katuwiran na ang mga mangingisdang Filipino ang naagrabyado.
Pagdidiin nito, ibang usapan na rin kung tatanggapin ng China ang magiging resulta ng pag-iimbestiga ng Pilipinas sa insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.