Papua, Indonesia niyanig ng magnitude 6.1 na lindol
By Dona Dominguez-Cargullo June 24, 2019 - 10:59 AM
Niyanig ng ng magnitude 6.1 na lindol ang Papua, Indonesia, Lunes (June 24) ng umaga.
Ayon sa US Geological Survey, ang lindol ay naitala sa 240 kilometers west ng Aberpura sa Papua Province.
Wala namang napaulat na nasaktan o pinsala ng lindol.
Hindi rin nagtaas ng tsunami warning bunsod ng pagyanig.
Noong nakaraang linggo lamang ay niyanig din ng magnitude 6.3 na lindol ang Papua.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.