NoKor leader Kim Jong-un nakatanggap ng sulat mula kay Trump
Nakatanggap ng personal na liham si North Korean leader Kim Jong-un mula kay US President Donald Trump.
Ayon sa ulat ng KCNA news agency ng North Korea, tinawag na ‘excellent’ ni Kim ang liham ni Trump.
Sinabi naman ni Kim na ‘interesting’ ang laman ng sulat at pinag-iisipan niyang mabuti ito.
Hindi naman nito ibinahagi ang laman ng sulat ngunit isinalarawan niya ang US president na may ‘extraordinary courage’.
Kinumpirma na rin ng White House ang pagpapadala ni Trump ng sulat kay Kim.
Ayon kay Sarah Sanders, White House spokesperson, mayroong komunikasyon ang dalawang lider sa ngayon.
Nauna nang sinabi ni Trump na nakatanggap siya ng isang magandang sulat mula kay Kim.
Magugunitang nabalam ang usapin ng dalawang lider tungkol sa denuclearization ng Korean Peninsula.
Ang palitan ng sulat ng dalawa ay ang pinakahuling major development sa usapin.
Iginigiit ng US na dapat itigil ng Pyongyang ang nuclear programs nito ngunit ayon kay Kim, dapat munang tanggalin ang sanctions na ipinataw sa kanila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.