VP Jejomar Binay umapela ng ceasefire sa mga kalaban

By Len Montaño December 18, 2015 - 04:19 PM

binay-0910-660x371Nanawagan si Vice President Jejomar Binay sa kanyang mga kalaban sa presidential election na itigil o isantabi muna ang bangayan bilang pakikiisa sa diwa ng diwa ng Pasko.

Ang hiling ni Binay ngayong Pasko ay ceasefire ng mga magkakalaban sa pulitika partikular sa mga kapwa kandidato sa 2016 election.

Kung ang New People’s Army at militar anya ay may tigil-putukan, baka pwede raw na pairalin ang tigil-bangayan ngayong Christmas season.

Nilinaw naman ng presidential aspirant na wala siyang pinatutungkulan na kandidato sa kanyang apela na ceasefire.

Samantala, naniniwala ang pangalawang pangulo na magpapatuloy pa rin ang paninira sa kanya sa pagpasok ng
bagong taon.

Pahayag ito ni Binay kasabay ng kanyang pagdalo sa selebrasyon ng 37th birthday ni Sarangani Representative Manny Pacquiao kahapon, araw ng Huwebes.

Nakatakda namang dalawin ni Binay ang mga nasalanta ng bagyong Nona sa Samar at iba pang lugar sa Visayas
Region.

TAGS: Ceasefire, Christmas wish, VP Jejomar Binay, Ceasefire, Christmas wish, VP Jejomar Binay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.