Mga responsable sa climate change, dapat managot sa batas – Pangulong Duterte
Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ASEAN leaders na papanagutin sa batas ang mga bansang responsible sa climate change.
Sa intervention ng pangulo sa plenary session ng 34th Asean Summit sa Bangkok, Thailand sinabi ng pangulo na hindi dapat na basta na lamang na makawala sa batas ang mga bansang hindi marunong mangalaga sa kalikasan.
Dapat aniyang i-adopt at magtatag ng maayos na inisyatibo na mangangalaga hindi lamang sa kapaligiran kundi maging sa mamamayan.
Dagdag ng pangulo, madalas tamaan ng iba’t ibang kalamidad ang mga bansang kasapi ng ASEAB kung kaya dapat na maging responsable sa kalikasan.
Inihalimbawa ng pangulo ang mga bagyo, tagtuyot, lindol, landslide at volcanic eruptiion.
Hindi maikakaila, ayon sa pangulo, na malaki ang pinsala ng mga kalamidad bukod pa sa kumikitil sa buhay ng tao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.