Hanggang Panatag (Scarborough) shoal lang ang China – Pres.Duterte sa “Wag Kang Pikon!” ni Jake Maderazo

By Jake Maderazo June 23, 2019 - 03:10 PM

Inquirer file photo

Ito ang patakarang ibinigay ni Pangulong Duterte sa AFP, ayon kay National Intelligence Coordinating Agency (NICA) director general Alex Paul Monteagudo. Bumisita siya sa Inquirer desk kasama si Brig. Gen. Antonio Parlade Jr., deputy chief of staff ng AFP for civil-military operations nitong nakaraang Linggo.

Kinwento rin ni Monteagudo ang karanasan ng Vietnam nang makipag-giyera ito sa China noong March 1988 sa Johnson south reef kung saan maraming sundalo nila ang napatay at ang masakit, nawala ang lahat ng “claims” nila sa Spratly islands dahil inokupa lahat ng China matapos ang labanan.

Sa ngayon, ang Vietnam ay meron nang bilateral agreement sa China sa pangingisda at maging joint exploration sa South China Sea. Tayo rin ay may intindihan na sa China na payagang mangisda at posibleng joint exploration din.

Ipinaliwanag din ni Monteagudo na sinimulan ng China noong 2014 ang reclamation work sa pitong islang mayroon tayong “claima” noong panahon ni Pnoy. Isinumbong ito ng AFP sa Malakanyang, pero binalewala lamang ito. Sinabihan pa nito ang AFP na “do not rock the boat” kayat nagpatuloy ang ‘reclamation” ng China. Ayon pa kay Monteagudo, ina-update nila ang Department of foreign affairs (DFA) pero hindi raw umaksyon si Pnoy.

Nang sumabog sa media ang “reclamation”, saka lamang nag-react si Pnoy ngunit huli na ang lahat dahil okupado na ng China ang pitong “reefs”. Ang apabayaang ito nina Pnoy ang dahilan kaya nawala ang maraming isla ng Pilipinas doon. Bilang pampalubag loob, pinalakas ang demanda sa International arbitral court na nagdesisyon naman noong 2016 na walang “legal basis” ang mga “claims” ng China sa South China Sea.

Pero, ang problema ay sino ang magpapatupad ng naturang desisyon na hindi naman kinikilala ng China ? Naging mortal na magkaaway tuloy ang China at Pilipinas noong panahon ni Pnoy at naging malapit na lamang pagpasok ni Pres. Duterte.

Ayon pa kay Monteagudo, ang patakaran ngayon ni Duterte ay hawakan ng husto ang mga isla at “reefs” natin sa West Philippine Sea at huwag makipag-giyera dahil wala tayong panalo tulad ng natikman ng mga Vietnam sa kanilang Johnson south reef. Diplomasya raw ang ginagamit ng Pangulo pero maliwanag ang direktiba nito sa AFP na hindi dapat lalampas ang China sa Panatag Shoal.

Sabi naman ni Brig. Gen. Parlade, ang utos ng Pangulo ay palakasin natin ang ating depensa sa pamamagitan ng modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines. Ang tinatawag na “minimum credible defense” ng isang bansa ay tila nakalimutan o pinabayaan talaga ng nakaraang mga Presidente.

Ngayon, sumabog naman ang “maritime incident” o pagbangga ng isang Chinese fishing vessel na Yuemaobinyu 42212 sa ating F/B GEM-VER1 sa Recto bank noong hatinggabi ng June 9. At marami ang nagagalit na ito raw ay isyu ng “sovereignty”, “economic rights” at isang senador ang nagsabi pang gamitin na daw ang Mutual Defense Treaty natin sa Amerika. Ang sabi ng iba, gawin daw “international” ang isyu para matuto ang China.

Alam niyo po, madaling sabihin lahat ng iyan, pero sa ngayon, diplomasya at kapayapaan ang kailangan, hindi Amerika at giyera.

(Pakinggan at panoorin ang Banner story 8-9am DZIQ 990AM Lunes-Biyernes at mag-email sa [email protected] para sa comments)

TAGS: China, Pangulong Duterte, scarborough shoal, China, Pangulong Duterte, scarborough shoal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.