Metro Manila at ilang lugar sa Luzon, uulanin ngayong hapon (June 23)
Makararanas ng katamtaman hanggang sa mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin ang Metro Manila, Tarlac, Bataan, Pampanga, Batangas at Rizal.
Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 1:33 ng hapon, iiral ang sama ng panahon sa susunod na isa hanggang dalawang oras.
Maliban sa mga nasabing lugar, mararamdaman din ang sama ng panahon sa Silang, Tagaytay at Amadeo sa Cavite; Cubayao, Calamba at Santa Rosa sa Laguna.
Uulanin din ang bahagi ng Sariaya, Quezon at maging sa Zambales partikular sa Santa Cruz, Candelaria, Masinloc at Palauig.
Kasunod nito, nag-abiso ang weather bureau sa publiko na maging alerto sa posibleng pagbaha at landslide.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.