Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang binabantayang Low Pressure Area (LPA).
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Pagasa Weather Forecaster Gener Quitlong, na namataan ang LPA sa 890 kilometers east northeast ng Guiuan, Eastern Samar kaninang alas 8:00 ng umaga.
Nasa dagat pa aniya ang sentro ng LPA at wala pang direktang epekto sa bansa.
Gayunman, sinabi ni Quitlong na dahil sa trough ay nakakaranas na ng pag ulan ang ilang bahagi ng Mindanao at Eastern Visayas.
Sakali man aniyang maging bagyo ang LPA, papangalanan itong “Dodong.
Pero sa ngayon, sinabi ni Quitlong na maliit ang tansa na mag landfall.
Nagpaalala naman ang pamunuan ng Pagasa sa mga residente na mag-ingat sa mga posibleng flash floods at landslides dulot ng matinding pagulan.
Dagdag pa ng ahensya, sa loob ng dalawa o tatlong araw ay maaari itong maging isang tropical depression.
Magiging maulan naman ang panahon sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa dahil sa localized thunderstorms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.