Aparato na kumukuha ng basura sa karagatan, muling inilabas
Muling inilagay sa karagatan ang isang floating device na idinisenyo upang manguha ng plastik sa pagtatangkang linisin ang isla ng basura sa karagatang Pasipiko sa pagitan ng California at Hawaii o tinatawag na Great Pacific Garbage Patch.
Inanunsyo sa pamamagitan ng Twitter ni Boylan Slat, bumuo ng proyektong The Ocean Cleanup, na muling inilabas ang 2,000 foot o 600 meters na makina matapos itong masira noong nakaraang taon.
Naunang hinila isang barko ang mala letrang “U” na pangharang mula San Francisco hanggang sa isang patch kung saan makakapagkulong ito ng basura.
Ito umano ay upang magbibigay ng suporta sa isa pang bangka para kolektahhin ang mga basurang nakuha at dalhin sa kapatagan.
Ngunit sa unang beses na sinubukan ito ay nasira ang aparato dahil malalakas na alon at ang hangin ay hindi nakatulong sa pagpapanatili ng basurang nakuha.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.