Pagbangga sa bangkang pangisda ng Pilipinas, mapapalakas ang kaso sa ICC laban kay Xi—Del Rosario

By Clarize Ausria June 23, 2019 - 08:26 AM

Mapagtitibay ng pagbangga ng barko ng Tsina sa bangkang pangisda ng Pilipinas sa Recto Bank ang kasong inihain sa International Criminal Court (ICC) ayon kay dating Foreign Secretary Albert del Rosario.

Ayon sa dating kalihim, sumagot ang ICC na tinitignan na kung may hurisdiksyon ito sa kasong isimapa nila ni dating Ombudsman Conchita Carpio Morales noong Marso.

Dagdag pa ni Del Rosario, nakikita nila may maitutulong ito sa kaso dahil sa isang partikular na populasyon na apektado na siyang sentro ng kanilang reklamo.

Matatandaang nagsumite ang mga dating opisyal ng reklamo para sa 300,000 mangingisdang Pilipino na inapi at sinaktan ng agresibong pagsasagawa ng mga istraktura sa karagatang sakop ng West Philippine Sea.

Isunusulong din ng dating kalihim ang “multilateral approach” sa paghawak sa kaso na inaasahang tatalakayin sa nagaganap na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa Bangkok, Thailand.

Kinuwestyon din ni del Rosario kung gaano pa katagal maghihintay ang pamahalaan ng Pilipinas bago humanap nng resolusyon mula sa UN General Assembly para itaguyod ang kinalabasan ng arbitral tribunal.

Inilabas ang naturang arbitral tribunal noong 2016 kung saan binasuha ang historical claims ng Tsina sa buong West Philippine Sea na hindi kinilala ng nasabing bansa.

Bumuo naman ang ICC ng hurisdiksyon sa genocide, crimes against humanity, war crimes, at crimes of agreession sa isalim ng Rome Stature of 2002 kung saan lumagda ang Pilipinas ngunit initutos ni Pangulong Rodrigo ang pagkalas ng bansa ng March 17.

Ito ay isang taon matapos magsimula ang pagsusuri sa kaso laban sa Pangulo noong 2018 kung saan libong katao ang namatay sa kaniyang kampanya kontra droga.

Ipinasa naman ni del Rosario at Morales ang kaso laban kay Xi ng March 15.

Naghayag naman ang mga opisyal ng administrasyon na magtatagumpay ang reklamo gayong hindi miyembro ng ICC ang Tsina.

Kagaya ni Morales, hinarang din si Del Rosario sa pagpasok sa Hong Kong para sa isang pagpupulong noong June 21.

Nanatili ang dating kalihim sa kustodiya ng mga awtoridad ng Hong Kong airport bago pinabalik sa Maynila.

Eksaktong isang buwan ito matapos hindi rin papasukin si Morales sa Hong Kong na isang administrative region ng Tsina.

TAGS: Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), Foreign Secretary Albert del Rosario, International Criminal Court (ICC), Recto Bank, UN General Assembly, West Philippine Sea, Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), Foreign Secretary Albert del Rosario, International Criminal Court (ICC), Recto Bank, UN General Assembly, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.