P100K na halaga ng shabu nasamsam sa buy-bust sa Makati
Timbog ang isang lalaking drug suspek sa isinagawang buy-bust operation ng National Capital Region Police office (NCRPO) sa J.P. Rizal Street kanto ng Zobel Street, Barangay Singkamas, Makati City.
Nakilala ang suspek na si Maek Lester Canlas, 29-anyos, at residente ng Brgy. Kasilawan.
Nakuha sa suspek ang tinatayang 30 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P100,000 at isang motorsiklo.
Ginawa ng operasyon ng pinag-sanib pwersa ng NCRPO Regional Drug Enforcement Unit, Makati City Police Station at Philippine Drug Enforcement Unit – NCR.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.