Residential area sa Malabon nasunog

By Len Montaño June 22, 2019 - 10:43 PM

Screengrab of Dindo Ballano video

Sumiklab ang sunog sa ilang kabahayan sa Barangay Potrero, Malabon araw ng Sabado.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), umabot sa ikalawang alarma ang sunog sa Juliana Street na nagsimula alas 12:00 ng tanghali.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang mga bahay.

Ayon sa BFP, wala namang casualty o nasugatan sa sunog.

Inaalam ang dahilan ng sunog at ang halaga ng ari-ariang natupok.

Samantala, sa Facebook video ni Dindo Ballano makikita ang malakas na usok at apoy sa gitna ng sunog.

Kanya kanya naman ng sagip ng kanilang mga gamit ang mga residente.

TAGS: BFP, ikalawang alarma, Juliana Street, Malabon, Potrero, residential area, sunog, BFP, ikalawang alarma, Juliana Street, Malabon, Potrero, residential area, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.