Cardi B posibleng makasuhan dahil sa pananakit
Matapos madiin sa pagdinig na isinagawa ng grand jury, Cardi B hindi nalalayong makasuhan kaugnay sa gulong kinasangkutan nito sa Queens, New York.
Ang kasong maaaring kaharapin ng rapper ay hindi pa binabanggit hangga’t hindi pa nagsisimula ang arraignment na nakatakda sa darating na ika-25 ng Hunyo sa Queens Criminal Court.
Matatandaan na ang kinasangkutan na kaguluhan ni Cardi B ay nangyari noong Agosto 2018 kung saan ay sinaktan nito ang isang babaeng bartender na di umano’y karelasyon ng asawa nitong si Offset.
Naaresto naman ang nasabing rapper noong nakaraang taon buwan ng Oktubre dahil sa reklamo ng mga biktima matapos niyang masugatan ang mga ito dahil sa ginawang pangbabato ng bote at upuan. (END/MP)
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.