Luzon inilagay sa “yellow alert” dahil sa manipis na suplay ng kuryente
By Jimmy Tamayo June 22, 2019 - 01:35 PM
Muling inilagay ng National Grid Corporation of the Philippines sa yellow alert ang Luzon Grid.
Sa abiso ng NGCP, ang yellow alert ay magiging epektibo sa mga sumusunod na oras:
- 10-11 a.m.
- 1-4 p.m.
- 6-8 p.m.
Ayon sa NGCP ang “available capacity” ng Luzon Grid ay nasa 11,095 megatwatts at ang peak demand ay nasa 10,300 megawatts.
Pinapayuhan rin ang publiko na magtipid sa paggamit ng kuryente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.