PDEA binuksan ang kauna-unahang ‘Sagip Batang-Solvent’ reformation center

By Rhommel Balasbas June 22, 2019 - 05:27 AM

PDEA photo

Pinasinayaan ni Philippine Drug Enforcement Agency chief Director General Aaron Aquino kasama si Quezon City Mayor-elect Joy Belmonte ang kauna-unahang ‘Sagip Batang-Solvent’ reformation center sa Novaliches, Quezon City, araw ng Biyernes.

Ang center ay inisyatibo ni Aquino upang masagip ang mga batang nasa kalye at malayo ang mga ito sa kalakalan ng iligal na droga maging sa paggamit ng rugby at iba pang uri ng solvent.

Kumpleto sa gamit ang center na may mga kwarto, mess hall, kitchen, comfort rooms, library, study room, receiving and enterainment room, music room, multi-purpose hall, garden, playground at iba pa.

Bibigyan ang mga bata ng edukasyon, counselling, values formation at huhubugin ang kanilang mga talento at kakayahan.

Ayon kay Aquino, kayang tumanggap ng reformation center ng hanggang 60 bata.

Sa ngayon ay maroon nang 28 bata na tinutulungan ang center, 16 dito ay babae habang 12 ay babae, edad mula 11 hanggang 16.

Sa inagurasyon alos mangiyak-ngiyak ang PDEA chief habang kinakanta ng mga bata ang kantang “Patuloy ang Pangarap”.

TAGS: Director General Aaron Aquino, PDEA, reformation center., Sagip Batang Solvent, Director General Aaron Aquino, PDEA, reformation center., Sagip Batang Solvent

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.