NWRB: Lebel ng tubig sa Angat Dam sasadsad na sa critical level ngayong araw

By Rhommel Balasbas June 22, 2019 - 01:35 AM

Inaasahang dadausdos na sa ‘critical level for domestic use’ na 160-meters ang antas ng tubig sa Angat Dam ngayong Sabado, June 22.

Ayon sa NWRB, nangangahulugan itong babawasan pa ang water supply para sa Metropolitan Water Works and Sewerage System (MWSS) na makakaapekto sa dalawang concessionaires sa Metro Manila.

Araw ng Biyernes ay nasa 160.28 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam at ngayong Sabado ay maaabot na nito ang critical level ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David Jr.

“By tomorrow the 160-meter elevation, considered as the critical level for water supply, will be  breached,” ani David.

Sinabi ni David na sakaling bumaba na sa 160 meters ang level ng tubig ngayong araw, ang alokasyon na 40 cubic meters per second ay gagawin na lamang 36 cubic meters.

Ang pagbawas ng supply para sa MWSS at concessionaires ay magreresulta naman sa mas matagal at malawak na water service interruptions.

Nauna nang sinabi ng mga ahensya ng gobyerno na posibleng madagdagan lamang ang suplay ng tubig sa Angat Dam sa Hulyo.

 

TAGS: Angat Dam, critical level, domestic use, manila water, maynilad, mwss, NWRB, water interruptions, Angat Dam, critical level, domestic use, manila water, maynilad, mwss, NWRB, water interruptions

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.