Duterte umamin na umiinom ng sleeping pills

By Len Montaño June 21, 2019 - 11:26 PM

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na umiinom siya ng gamot para makatulog.

Sa kanyang talumpati sa Davao City, sinabi ng Pangulo na umiinom siya ng sleeping pills na Stilnox na anyay gamot para sa short-term treatment ng insomnia para sa mga matatanda.

“I take Stilnox to sleep. Prescribed ‘yan. Tulog ka talaga because Stilnox makatulog ka lang ng six hours, parang nag-hit ka ng mga eight because not even dreams, wala sarado talaga,” ani Duterte.

Dati nang sinabi ni Pangulong Duterte na umiinom siya ng gamot na fentanyl dahil dumaranas siya ng matinding sakit dahil sa spinal injury na resulta ng aksidente sa motorsiklo ilang taon na ang nakalipas.

Ayon sa Pangulo, ang fentanly ay inireseta sa kanya ng kanyang doctor na hinahati nito sa apat na piraso at iniinom ng tig-iisa sa loob ng dalawang araw.

Hindi ito ang unang pagkakataon na naghayag ang Pangulo sa publiko ng mga iniinom niyang mga gamot.

Pero sa kabila nito ay ilang sektor pa rin ang kumukwestyon sa estado ng kalusugan ng Pangulo lalo na’t napapabalita na ito ay naospital o inoperahan, bagay na ilang beses nang itinatanggi ng Malakanyang.

 

TAGS: Davao City, fentanyl, inoperahan, insomia, naospital, Rodrigo Duterte, short-term treatment, sleeping pills, spinal injury, stilnox, Davao City, fentanyl, inoperahan, insomia, naospital, Rodrigo Duterte, short-term treatment, sleeping pills, spinal injury, stilnox

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.