Ex-DFA Sec. Del Rosario, inihayag na na-harass siya matapos harangin sa Hong Kong airport
“Bottomline here is I was being harassed.”
Ito ang naging pahayag ni dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario ukol sa pagharang sa kaniya sa Hong Kong International Airport, Biyernes ng umaga.
Sa pagdating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), sinabi ni Del Rosario na makiramdam niya, nalabag ang kaniyang karapatan nang hindi makapagbigay ng maayos na rason ang immigration officers sa Hong Kong kung bakit siya hinarang.
Ang tangi lang aniyang binanggit ng mga opisyal ay bunsod ng “immigration reasons.”
Halos anim na oras na nanatili si Del Rosario sa isang pasilidad sa paliparan at sumailalim sa pagtatanong ng immigration officers sa Hong Kong.
Sinalubong si Del Rosario ni dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa NAIA Terminal 3.
Si Morales ay naharang din sa pagpasok sa Hong Kong noong May 21, 2019.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.