DSWD, nakapagtapos na ng 900,000 na senior high school, libu-libong college student

By Ricky Brozas June 21, 2019 - 07:43 PM

Tinatayang 900,000 na mag-aaral sa senior high school at 50,000 college students ang napagtapos na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng programang 4Ps o Pantawid Pamilya Program ng pamahalaan.

Ayon kay Undersecretary Camilo Gudmalin, hepe ng Special Concerns ng DSWD, ang naturang datos ay ang kabuuang bilang ng mga tinulungan ng ahensiya mula noong 2015 hanggang 2019 sa buong bansa.

Sa Report to the Nation forum ng National Press Club, sinabi rin ni Gudmalin na may 60,000 recipients ang kusa nang tumanggi sa tulong na 4Ps matapos na maka-graduate ang kanilang mga anak sa high school at kolehiyo.

Ngayong taong 2019 aniya, target ng DSWD na matulungan ang 4.4 million households bukod pa sa existing beneficiaries ng 4Ps.

Nabatid kay Gudmalin na mayroong P88 bilyong pondo ang DSWD na ang 90 porsiyento ay nakalaan sa mga benepisyaryo habang ang natitirang porsiyento ay inilaan para sa incremental operations.

Kasabay nito ay nilinaw ni Gudmalin na matatanggal lang ang isang benipisyaryo sa 4Ps kapag hindi ipina-enroll sa eskuwelahan ang kanyang anak, at napatunayang hindi na sila mahirap.

Sinabi ni Gudmalin na mayroon silang validator sa bawat 800 na households upang matukoy kung nagagamit na maayos ang mga benepisyo mula sa 4Ps.

TAGS: 4Ps, dswd, Pantawid Pamilya Program ng Pamahalaan, 4Ps, dswd, Pantawid Pamilya Program ng Pamahalaan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.