Sen. Gatchalian, pabor na maging tax free ang allowances ng mga guro
Sinabi ni Senator Sherwin Gatchalian na nararapat lang na humanap ng mga paraan para madagdagan ang ‘take home pay’ ng mga pampublikong guro.
Kasama na dito, ayon kay Gatchalian, ang hindi na pagpapataw ng buwis sa allowances ng public school teachers.
Ayon pa sa senador sa pagbubukas ng 18th Congress ay agad niyang ihahain ang panukala na magtatanggal sa buwis sa honoraria sa mga guro na nagsisilbi sa halalan sa bansa.
Aniya ito ay pagkilala sa malaking kontribusyon ng mga guro para sa maayos at may integridad na eleksyon.
Dagdag pa ni Gatchalian nakahanda siyang tumulong sa pamamagitan ng lehislatura sa nais ng gobyerno na tumaas ang suweldo ng mga pampublikong guro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.